𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗚𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗔 𝗡𝗜𝗡𝗔, 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗥𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗥𝗢𝟭

Nagbigay katiyakan ang ahensyang Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 1 nakahanda rin sila sa pagtugon sa posibleng epekto ng La niña sa rehiyon.

Sapat umano ang suplay ng pagkain maging iba pang kagamitan sa labing siyam na Field at Satellite Warehouses ng tanggapan sa buong rehiyon.

Makakakuha umano ng suplay mula sa mga ito sa oras na kakailanganin.

Ang pagbibigay katiyakan na ito ay matapos na makibahagi ang nasabing tanggapan sa isang preparedness meeting na pinangunahan ng DSWD Disaster Response Management Group.

Dito ay pinag-usapan ang mga kahandaan ng ahensya sa oras haharap sa mga disaster operations. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments