π—£π—”π—šπ—§π—¨π—§π—’π—Ÿ 𝗦𝗔 𝗣𝗔π—₯π—¨π—¦π—”π—‘π—š π—•π—œπ—§π—”π—¬ π—‘π—š π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—œπ—₯π—”π—‘π—œπ—”π—‘ π—”π—–π—§π—œπ—©π—œπ—¦π—§, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—‘π—”π—ͺπ—”π—šπ—”π—‘ π—‘π—š π—¨π—‘π—œπ—§π—˜π—— π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—¦

β€ŽCauayan City – Nanawagan ang mga United Nation experts sa pamahalaan ng Iran na huwag ituloy ang pagbitay kay Zahra Tabari, isang 67-anyos na engineer at women’s rights activist.
β€ŽInaresto siya noong Abril at inakusahan ng pakikipag-ugnayan sa isang ipinagbabawal na grupong oposisyon.
β€ŽNoong Oktubre, hinatulan si Tabari ng β€œarmed rebellion” ng isang Revolutionary Court matapos ang maikling paglilitis na tumagal lamang ng ilang minuto. Ayon sa kanyang pamilya, ibinatay ang hatol sa limitado at kuwestiyunableng ebidensiya, habang nanatiling tahimik ang mga awtoridad ng Iran sa usapin.
β€ŽAyon sa mga UN Human Rights Council’s special rapporteurs on human rights in Iran, violence against women and arbitrary executions, nilabag ang karapatan ni Tabari sa wastong proseso ng batas, kabilang ang pag-aresto nang walang warrant, pagkakait ng sariling abogado, at agarang pagpapataw ng sentensiyang kamatayan.
β€ŽGiit nila, ang ganitong mga paglabag ay salungat sa internasyonal na batas sa karapatang pantao.
β€ŽSamantala, lumagda rin sa isang public appeal ang mahigit 400 prominent women kabilang ang Nobel laureates; dating mga Presidente ng Switzerland at Ecuador; at dating Prime Ministers ng Finland, Peru, Poland, at Ukraine upang hilingin ang agarang pagpapalaya kay Tabari.
β€ŽAyon sa mga human rights group, patuloy na nangunguna ang Iran sa bilang ng pagbitay sa kababaihan, at ang kaso ni Tabari ay sumasalamin sa lumalalang pagsupil sa mga aktibistang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng kasarian.
Facebook Comments