𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗧𝗨𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧 𝗦𝗣𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

Plano ngayon ng Department of Tourism Region 1 ang pagsusulong sa pagtuturo ng kasaysayan ng mga tourist spots sa rehiyon.

Ayon kay DOT Region 1 Regional Director Jeff Ortega, isa sa nakikita nitong makakapag-promote ng turismo sa mga estudyante ay ang pagsasagawa ng mga caravan sa mga eskwelahan.

Maganda rin umano kung magkakaroon ng field trips o outdoor curriculum ang mga eskwelahan para sa mga estudyante.

Ang mga historical places ay isa rin itinuturing na tourist destination kaya’t dapat lamang na magkaroon ng sapat at tamang kaalaman ang mga ito.

Samantala, may mga nakalatag na rin ang tanggapan na iba’t-iba pang programa para sa pagpapalakas sektor ng turismo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments