𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗠𝗬𝗘𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗔𝗚𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗩𝗔𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗩𝗔𝗣𝗘, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

Patuloy na isinusulong ng health authorities ang pag-amyenda sana sa pagpapataas sa legal age ng maaaring makapag-avail ng vape products.

Sa rehiyon, patuloy din ang pagpapaalala ng Department of Health Ilocos Region sa epektong maaaring maidulot ng paggamit ng vape at e-cigarette sa katawan ng isang tao.

Sa nais nag-amyenda, dapat umanong itaas sa 25 years old ang mga maaaring mag-avail ng vape kesa sa 18 years old.

Nakababahala rin na ang kadalasan na nakikitaan ng mga bumibili ng naturang produkto ay mga kabataang nasa edad 13 hanggang 15 years old.

Sa ngayon, patuloy ang kampanya ng kagawaran laban sa paninigarilyo, e-cig at vape bilang paggunita rin sa No Smoking month. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments