𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗦𝗧𝗘 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗘𝗤𝗨𝗜𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗔𝗣𝗘𝗟𝗔

Muling nanawagan si Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa mayorya ng Sangguniang Panlungsod ukol sa approval ng budget na nakalaan sa pagbili ng waste collection equipment.

Tinukoy ng alkalde na kinakailangan ng apat na dump truck, payloader at backhoe upang maisaayos ang nakokolektang basura sa mga barangay.

Sa pamamagitan ng mga nabanggit na waste equipment maiiwasan umano ang gabundok na kumpol ng basura na ibinabagsak sa dumpsite ng lungsod.

Kaugnay nito, inihayag ng alkalde ang hangarin nitong matuldukan ang problema sa basura ng Dagupan City at tuluyang maipasara ang 60-year old na dumpsite. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments