π—£π—”π—š-π—œπ—•π—œπ—š 𝗙𝗨𝗑𝗗 π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘ 𝟭, π—›π—œπ—‘π—œπ—žπ—”π—¬π—”π—§ π—”π—‘π—š π— π—šπ—” π—₯π—˜π—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—˜π—‘π—š π—”π—£π—˜π—žπ—§π—”π——π—’ π—‘π—š π—•π—”π—šπ—¬π—’ 𝗑𝗔 π— π—”π—š-π—”π—£π—£π—Ÿπ—¬ 𝗦𝗔 π—–π—”π—Ÿπ—”π— π—œπ—§π—¬ π—Ÿπ—’π—”π—‘

Hinimok ng Pag-ibig Fund Region 1 ang mga residenteng miyembro nito na naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo na mag-apply ng calamity loan.

Ayon kay La Union Branch Head Rachael Gallano, nasa walumpung porsyento ang maaaring mai-apply na loan ng mga miyembro na mayroong pinaka mababang interest rate.

Aniya, malaking tulong ito upang makabangon ang mga residente na nasalanta ng bagyo upang makapagsimula muli.

Kampante naman ang tanggapan na mababayaran agad ito ng mga miyembro sapagkat pinakamataas ang Ilocos region sa mga miyembrong nakakapagbayad ng tama.

Ilan lamang sa mga LGU na nagdeklara ng state of Calamity sa Region 1 ay ang Dagupan City, Bani at Anda sa Pangasinan at sa Ilocos Norte ay ang bayan ng Pagudpud. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments