𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗔𝗜𝗗 𝗙𝗜𝗥𝗘𝗙𝗜𝗚𝗛𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗩𝗜𝗖𝗘𝗦, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗙𝗣 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Iminungkahi ng Bureau of Fire Protection Dagupan ang pamumuhunan o pag-invest sa mga firefighting devices sa mga kabahayan.

Ito ay upang maiwasan ang tuluyang pagsiklab ng apoy sakaling magkaroon sunog sa mga kabahayan.

Binigyang-diin ni SFO3 Clemente Battalao, ang BFP Dagupan Deputy City Fire Marshal ang pagkakaroon ng mga portable first aid fire fighting equipment na magagamit sa mga posibleng maganap na sunog sa mga kabahayan.

Paalala ng ahensya ngayong holiday season na may posibilidad ng mga insidenteng sunog, tiyakin ang mga linya ng kuryente kung saan dapat licensed electrician ang magtungo at gumawa ng pagsusuri.

Siguruhin ding nakapatay ang mga tangke at ang main plug kung sakaling aalis ng bahay.

Samantala, naka full alert status na ang hanay kasunod ng pagdiriwang ng Holiday season sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments