π—£π—”π—š-π—œπ—ͺ𝗔𝗦 𝗑𝗔 π— π—”π—žπ—”π—₯𝗔𝗑𝗔𝗦 π—‘π—š 𝗦𝗨𝗑𝗕𝗨π—₯𝗑 π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š π—¦π—¨π— π— π—˜π—₯; π—£π—”π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—” π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘ 𝗣𝗗π—₯π—₯𝗠𝗒

Pinaalalahanan ng Pangasinan PDRRMO ang publiko na paka-ingatan ng mabuti ang katawan lalo ang balat dahil sensitibo ito kapag nababad sa mataas na sikat na araw ngayong dry season.

Sunburn ang isa sa mga karaniwang kondisyon na makukuha kapag nasobrahan sa pagkalantad sa ultraviolet o UV light mula sa sikat ng araw ang balat.

Mainam na magdala ng panangga sa init tulad ng payong at huwag magbilad sa araw.

Siguraduhin din na maglagay ng sunscreen sa balat para maproteksyunan ito mula sa UV light at madalas na pag-inom pa rin ng tubig para sa hydration ng katawan.

Kapag nagkaroon ng sunburn, maaari itong magbigay ng mataas ng tsansa sa iba pang pinsala sa balat tulad ng dry o wrinkled skin, dark spot, magaspang na balat, at kanser sa balat, tulad ng melanoma. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments