𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗪𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗥𝗘𝗖𝗥𝗨𝗜𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗧 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗡 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖𝗞𝗜𝗡𝗚, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧

Muling pinaalalahanan ng migrant desk ang mga Pangasinenseng nagnanais mangibang bansa o maging Overseas Filipino Workers (OFWs) matapos maitala ang ilang insidente ng pang-aabuso sa mga ito.

Iginiit ngayon ng LGU Mangaldan Migrant Desk na maging alisto at mapanuri sa mga inaaplyang ahensiya upang maiwasan ang anumang kaso ng illegal recruitment at maging biktima ng human trafficking

Ibinahagi rin ng mga ito ang mga kahina-hinalang illegal recruiter tulad ng agarang pagkuha ng bayad, pag-alok ng trabaho sa pamamagitan ng tourist visa, at walang maipakitang lisensya at hindi accredited ng DMW. Patuloy pang pinalalakas ngayon ang pagsusulong ng proteksyon at pangangalaga sa mga Pangasinenseng OFWs upang maiwasan ang kaso ng anumang klase ng pang-aabuso.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments