๐—ฃ๐—”๐—š-๐—จ๐—จ๐—ฆ๐—”๐—ฃ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐— ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ž๐—”๐—š๐—จ๐—ง๐—จ๐— ๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ž๐—”๐—›๐—œ๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—”

CAUAYAN CITY โ€“ Naglunsad ng 1st Regional Convergence Team (RCT) Meeting Cum Year Starter Planning and Community-Based Organization (CBO) Conference ang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Region II sa Mango Suites, Santiago City.

Dinaluhan ng 23 external partner agencies, siyam (9) sa internal partners, at tatlong (3) kinatawan mula sa National Program Management Office (NPMO) ang 1st RCT Meeting Cum Year Starter Planning.

Dito ay pinagusapan ang mga estratehiyang gagawin upang maging epektibo ang implementasyon ng programa na makatutulong upang mabawasan ang kagutuman at kahirapan sa rehiyon.


Bukod dito, nagkaroon din ng CBOs Conference kung saan nilahukan ito ng 15 Sustainable Livelihood Program Associations at Irrigator Associations.

Tinalakay naman sa conference na ito ang mga requirements sa pagkuha ng Bureau of Internal Revenue (BIR) certificates, proseso ng pagrerehistro sa mga kooperatiba, requirements para sa pagrerehistro sa Department of Labor and Employment (DOLE) at marami pang iba.

Naglalayon ang aktibidad na matiyak na mabigyan ng oprtunidad na makapagtrabaho, magkaroon ng sapat na pagkain, at maiahon sa kahirapan ang mga lumahok.

Facebook Comments