𝗣𝗔𝗛𝗜𝗡𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗟𝗜𝗞𝗧𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗞

Dead on the spot ang 42 anyos na rice mill agent kinilala bilang si Jinky Nafura mula sa bayan ng Bani matapos tumalon sa sinasakyang trak.

Ang biktima ay isa sa limang pasahero ng bumaliktad na trak sa may kahabaan ng barangay road sa Brgy. Catuday, Bolinao.

Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang driver ng trak kaya natamaan nito ang rock formation sa may gilid ng kalsada. Bumaliktad ang nasabing trak at tumalon ang biktima mula dito ngunit natamaan at nagulungan pa ito dahilan ng agaran niyang pagpanaw.

Samantala, sugatan naman ang ilan pang lulan ng trak maging ang driver at agad naman naisugod sa pagamutan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments