Tuloy na tuloy na ang Pasko sa bayan ng sta. Barbara matapos magningning ang buong bayan sa isinagawang Christmas Lighting Ceremony kagabi.
Unang pinailawan ang gusali ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na susundan nama nang pagpapailaw sa iba pang lugar sa bayan.
Bukod sa naggagandahan at nagliliwanag na mga pamaskong pailaw at dekorasyon, inabangan din ng mga residente ang pag-ulan ng snow.
Patok at tunay ngang Christmas is in the air para sa mga chikiting ang naging pakulo ng bayan sa nalalapit na kapaskuhan.
Nagsimula na rin dayuhin ang kanilang Christmas Food Bazaar na tampok ang iba’t-ibang produktong lokal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments