CAUAYAN CITY – Nananawagan ngayon sa publiko ang National Commission for Culture and Arts (NCCA) matapos na nakawin mula sa Negros Occidental Museum ang painting na “Mango Harvester”.
Ang nabanggit na painting ay gawa ng tanyag na National Artist for Visual Arts na si Fernando Amorsolo.
Gabi nitong Biyernes ng inanunsyo ng Silay Heritage na ninakaw umano ng mga turista na bumisita, umaga noong Miyerkules ang nasabing painting na naka display sa Hofileña Museum.
Ang artwork ay Isang 88-year-old na gawa sa oil on panel, may sukat na 19” x 12 1/2” at nagkakahalaga ng milyung-milyong piso.
Lubos na humihingi ng tulong ang NCCA upang maibalik sa museyo ang nasabing obra.
Facebook Comments