𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢

Apektado ng umiiral na El Niño Phenomenon ang palay production ng sampung bayan sa lalawigan ng Pangasinan.

Kabilang dito ang mga bayan ng Dasol, Infanta, Lingayen, Mangatarem, Mangaldan, Manaoag, Bautista, Laoac, Sto. Tomas at Tayug.

Naitala ang tinatayang nasa PHP 78,797,055.67 ang danyos sa palay production bunsod ng naranasang tagtuyot.

Kaugnay nito, nagpaabot ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan para sa mga apektadong magsasakang Pangasinense tulad ng pamamahagi ng farm inputs, fertilizers, chemicals at iba pa.

Nagpapatuloy din ang pagmomonitor sa kalagayan ng sakahan sa probinsya lalong lalo na ang nakaranas ng tagtuyot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments