Nirespondehan ng Coast Guard Station Pangasinan, Substation Bolinao at Marine Environment Protection Group (MEPG) ang isang papalubog na bangkang pangisda sa bahagi ng Bolinao, Pangasinan.
Habang nagsasagawa umano ng foot patrol operation sa isang barangay ang mga kawani ng sub-station Bolinao ay namataan umano ng mga ito ang papalubog o half submerged na ang naturang bangkang pangisda.
Napag-alamang na nagkaroon umano ng problema sa submersible pumped ng bangka at naiwan ng mag-isa buong gabi.
Sa naganap na ocular inspection, laman ng bangka ang isang daang litro ng automotive diesel oil ayon sa may ari ng bangka.
Tiniyak naman ng CGS Pangasinan Deployable Response Group na negatibo ang lugar sa posibilidad ng oil spill ayon sa lumabas na monitoring, oil sampling at oil spill boom ng MPEG. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨