Iginiit ni Pangasinan Governor Ramon Guico III na nalagpasan ng lalawigan ang el niño bagaman naramdaman ang epekto nito, ay hindi ito nakaka alarma para nagdeklara ng crisis.
Sa media interview nito noong Agew na Pangasinan kasabay ang State of the Province Address nito, pahayag ni Guico na kung nakakaalarma man ang epekto ng phenomenon ay siguradong tutugon at tatawagan ang pansin ng mga ahensya na may kinalaman dito.
Samantala, matatandang napaulat na nabahagian ang ilang farmers association and cooperatives ng farm equipments sa Pangasinan sa inisyatibo ng Philippine Rural Development Program.
Sa datos ng PAGASA, mararamdaman ang drought season sa Pangasinan hanggang Mayo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments