𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗢𝗣 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗧. 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗖𝗢

Iginiit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, sa pahayag ni Gov. Ramon Guico III, na sakop ng lalawigan ang Mt. Malico na matatagpuan sa bayan ng San Nicolas.

Ito ay matapos niyang ibahagi na agresibo na magpatayo ng istruktura doon ang dating pamunuan ng Nueva Vizcaya bilang paggunita umano sa Battle of Villaverde Trail, na nagsisilbing daanan upang maabot ang Malico.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay idineklara bilang “Barangay Summer Capital of Pangasinan ang Malico sapagkat mas mataas ito kung ihahambing sa Baguio City sa taas na 1,675 meters above sea level.

Dagdag pa ni Guico, kinikilala ng mga residente ng Malico na sila ay mula sa Pangasinan. Ano man ang paraan ay bukas ang Pamahalaang Panlalawigan upang igiit ang karapatan ng Pangasinan sa lugar.

Pagbabahagi pa ng Gobernador, nakatakda nang magsimula ang pagpapatayo ng mga imprastraktura sa Malico upang pagtibayin ang pagmamay-ari ng Pangasinan dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments