CAUAYAN CITY – Inihayag ng Provincial Government of Isabela (PGI) na kanilang ipagpapatuloy ang pagbili ng palay sa halagang P27 kada kilo.
Ito ay sinabi ni Provincial Agriculturist Marites Frogoso noong nagkaroon ng pagpupulong ang Kagawaran ng Agrikultura kaugnay sa pinsalang iiwan ni Bagyong Enteng sa agricultural products sa Cagayan Valley.
Magugunita na una nang sinabi ng PGI na maaaring gamitin ng mga magsasaka ang drying facility sa bayan ng Echague.
Gayunman, kung sakali na magdesisyon ang mga ito na ibenta na ang kanilang ani ay maari naman umano itong bilhin ng PGI.
Ang pagbili ng palay ng PGI partikular na sa mga marginalized farmers ay may layuning matulungan ang mga ito na makabawi mula sa pagkalugi.
Samantala, sa ngayon naman ay pinaghahandaan na rin ng Pamahalaan ang banta ng La Niña Phenomenon na inaasahang makakapinsala sa mga sakahan at palaisdaan sa lalawigan.