𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ng pamamahagi ng rice subsidy sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan.

Umabot sa kabuuang 5,107 ang bilang ng mga naabutan ng bigas sa bayan ng Roxas, Aurora at San Manuel.

Binubuo ito ng mga barangay frontliners, PWD’s, mga mangingisda, at TODA Members.


Samantala, tumanggap rin ng buwanang bigas ang 184 tobacco farmers sa bayan ng Quezon, Isabela.

Facebook Comments