𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗟𝗜𝗘𝗙 𝗚𝗢𝗢𝗗𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔

Nagsimula na ang pamamahagi ng Relief goods sa mga residenteng apektado ng Bagyong Kristine sa Dagupan City.

Ilan lamang sa mga nabigyan ng tulong ay ang mga residenteng nanunuluyan sa Evacuation Center ng Brgy. Bonuan Binloc, Poblacion Oeste, Mamalingling, Carael, Calmay, Malued at Mayombo.

Ilan lamang sa mga inilikas na residente ay apektado ng storm surge na sinabayan pa ng high tide.

Samantala, pinag iingat ang mga Dagupeño na nakatira malapit sa ilog at mababang lugar na agad lumikas dahil patuloy ang pagpapakawala ng tubig mula sa Ambuklao,Binga at San Roque Dam na sinasalo ng Sinocalan River na direktang konektado sa Pantal River sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments