𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng Social Pension sa mga senior citizens sa Dagupan City mula sa national government at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakatakdang tumanggap ang lahat ng rehistradong senior citizen ng tatlong libong piso bawat na makatutulong para sa kanilang maintenance at iba pang pangangailangan.

Kabuuang 5, 576 na mga seniors ang inaasahang tatanggap para sa kanilang 4th quarter social pension.

Ang SOCPEN para sa mga indigent senior citizens ay mandato sa ilalim ng Republic Act (RA) 9994 or the Expanded Senior Citizens Act of 2010 na may layong suportahan ang mga benepisyaryo sa kanilang pang araw-araw na gastusin maging medikal na pangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments