Matapos aksidenteng tamaan ng nag-ooperate ng jack hammer excavator ang isang tubo ng PAMANA Water District sa Dagupan City noong nakaraang linggo ay nagresulta ito sa pagkasira ng tubo ng tubig at nagdulot ng pagbaha sa bahagi ng M.H. Del Pilar St. sa Lungsod.
Dahil dito naitala ng water district ang inisyal na damyos sa tubig kung saan pumalo sa 12, 667 cubic meters o katumbas ng kabuuang 57, 577 drums ng tubig ang nasayang dahil sa sira ng tubo,
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Marge Navata, ang Head Public Relations and Marketing Division ng PAMANA Water District Dagupan na nakatakdang mag-usap ang mga kinatawan ng kanilang kumpanya, kontraktor ng ginagawang konstruuksyon ng drainage at kalsada maging ng LGU Dagupan upang talakayin ang maaaring pagsingil ng kumpanya sa damyos na naitala sa insidente.
Aniya pa, posibleng itong linggo na pag-uusapan ang naturang concern.
Samantala, nagpapasalamat naman ito sa IFM Dagupan dahil sa tulong na naibahagi ng istasyon sa publiko lalong lalo na sa pagbibigay ng balita sa kung ano ang naging dahilan ng pagkawala ng tubig sa mga oras na iyon sa malaking parte ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨