Pinasinayaan na ang proyektong Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) ng pambansang pamahalaan sa Barangay Carosucan Norte sa bayan ng Asingan.
Ang isinagawang groundbreaking ceremony at capsule laying ay tanda ng pag-uumpisa ng konstruksyon ng naturang pabahay, na uumpisahan na sa unang quarter nitong taon, 2024.
Sa ngayon, target ng Phase 1 nito na magkaroon ng dalawang four-story building na may kabuuang 192 units ng bahay, kung saan ang bawat palapag ay mayroong tig-24 na unit.
Samantala, inabisuhan ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng Housing Committee ang mga nagnanais na makapag-avail ng pabahay. Ayon sa kanila, kinakailangan na ang bawat benepisyaryo nito ay miyembro ng PAG-IBIG at naghuhulog ng P3,600 kada buwan sa loob ng 30 taon.
Paalala nila na huwag mag-atubilling lumapit sa tanggapan ng Mayor’s office, upang malaman ang iba pang detalye at pormal na makapagparehistro.
Ang proyektong 4PH ay isa sa mga prayoridad na proyekto ng kasulukuyang administrasyon na naglalayong makapagpatayo ng sampung building o may katumbas na 960 units sa nasabing bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨