𝗣𝗔𝗠𝗘𝗠𝗘𝗦𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗨𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗜𝗦, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Pamemeste ng mga uod sa ilang tanim na mais ang nararanasan ngayon ng ilang magsasaka sa bayan ng Calasiao.

Problema umano nila ang mga uod na umuubos sa ilan nilang tanim na mais na nasa apat na buwan rin nilang hinintay at inalagaan bago anihin.

Ngayon, naguumpisa nang mag-ani ng tanim na mais ang ilan sa mga magsasaka sa bayan ngunit sa tantsa nila, hindi na umano umaasa ang ilan sa kanila na mababawi ang kanilang ipinuhunan sa mga naturang tanim dahil sa pamemeste ng mga uod.

Hinihikayat naman ng Municipal Agriculture Office ang mga magsasaka na direktang sumangguni at mag report sa kanilang tanggapan kung sakali man na nakararanas ang kanilang taniman ng pamemeste.

Nagsasagawa rin ang naturang opisina ng monitoring para sa mga maaaring tulong na maipamahagi sa mga magsasakang apektado ng pamemeste ng mga uod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments