Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o DOST-PAGASA na panahon nang tag-init.
Ayon sa PAGASA satellite, kapansin-pansin na eaterlies na ang nakakaapekto sa bansa ngayon at wala na gaanong ulap na pumapasok sa Philippine Area of Responsibility na nagiging dahilan ng pag-ulan.
Inaasahan naman na sa ilang bahagi ng Luzon particular sa Western part ang makararanas ng slightly above normal average na init ng temperatura na posibleng maranasan sa mga buwan ng Abril hanggang Hunyo.
Posible umanong makaranas ng maximum extreme temperature na hanggang 40.7 degree celsius ang bahagi ng Northern Luzon sa buwan ng Mayo at Hunyo, base sa inilabas ng DOST-PAGASA.
Asahan umano sa mga susunod na araw ang mas mainit at mas maalinsangang pang panahon kung kaya’t payo ng mga ito ang pagpapaniting hydrated ang katawan para maiwasan ang heat exhaustion at heat stroke. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨