Dinala sa mga komunidad sa bayan ng Bani ang Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Expo 2024 bilang bahagi ng pagpapataas ng kamalayan ng mga Pangasinense sa paghahanda sa mga sakuna.
Ibinahagi ng mga DRRM personnels ang mga kaalaman na nakapaloob sa kalamidad at ang maaaring maging epekto nito. Tinuruan din ang mga residente sa kung paano ang wastong paggamit sa mga rescue equipment.
Tiniyak din ng mga ito ang kahandaan ng mga Barangay Disaster Risk Reduction Management Council na silang inaasahang unang tutulong sa mga nasasakupang residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments