𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗗 𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗜𝗡𝗙𝗘𝗦𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Pagdami ng kuto o head lice infestation ang isa kalaban rin ngayon tuwing mainit ang panahon kaya naman nagbigay ng paalala ang Pangasinan Health Office kaugnay rito.

Ayon sa tanggapan, dapat umano na maging maingat ang mga residente pagdating sa pangangalaga ng kanilang mga buhok lalo para sa kanilang mga batang anak lalo sila ang madalas na lumalabas at naglalaro tuwing buwan ng tag-init.

Hindi umano maganda sa kalusugan lalo ng mga bata kung pinamumugaran ng kuto ang kanilang mga ulo dahil nabubuhay ang mga pesteng ito sa pagsisip ng dugo mula sa anit, hindi naman ganoon ka-delikado ay maaari pa rin makaranas ng pangangati at hindi komportableng pakiramdam.

Pinapayuhan ang publiko na magkaroon ngayon ng mas magandang hygiene para maiwasan ang pagkakaroon ng kuto.

Dagdag pa rito, kailangan rin umano na regular rin ang pagpapalit ng punda ng una, beddings, at tuwalya para maiwasan ang pamamahay ng mga kuto sa mga ginagamit sa katawan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments