𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗟𝗔𝗧𝗖𝗛 𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Inilunsad sa Urdaneta City ang “Pangasinan Latch Na 2024” bilang bahagi ng pagsusulong na suportahan ang mga breastfeeding moms sa lalawigan kasunod na rin ng pagdiriwang National Breast-feeding Month nitong Agosto.

Tinatayang nasa higit isang daang mga nanay mula sa lalawigan ang nakilahok sa naturang aktibidad habang pitumpo (70) sa mga ito ang kasama sa simultaneous o sabay sabay na nagpasuso sa mga anak na nakatakda namang maisama sa world record.

Ibinahagi sa mga kababaihan ang kaalaman ukol sa nakukuhang nutrisyon sa umpisa at lumaking breastfeed ang isang bata, gayundin ang kaalaman ukol sa wastong pagposisyon sa tuwing magpapadede, at mga paraan kung hindi makapagproduce ng breast milk ang isang ina.

Layon ng naturang aktibidad na maipamulat sa mga nanay ang kahalagahan ng breastfeeding na titiyak sa pagtaguyod ng mas malusog na maternal at child health sa mga komunidad.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments