Nasa 447,638.57 metrikong tonelada ng palay production ang naitalang naharvest sa lalawigan ng Pangasinan nito huling dry cropping season ayon sa Pamahalaang Panlalawigan.
Ang naitalang produksyon ay mula Enero hanggang Hunyo sa 85, 233. 70 ektaryang sakahan.
Nasa higit 400,000 metrikong tonelada rin ang naharvest pagdating sa yellow at white corn production.
Isinusulong rin ngayon sa sektor ng agrikultura sa lalawigan ang corporate farming na makakatulong sa abot kayang halaga ng produksyon ng pagsasaka.
Nakita rin dito ang pagkakaroon ng abot kayang gastos sa pansaka tulad sa pagbili ng farm inputs gaya ng fertilizer, patubig sa sinasaka, at labor costs. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments