𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗥𝗦𝗬𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗘𝗠𝗜𝗚𝗥𝗔𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗛 𝗟𝗨𝗭𝗢𝗡

Nasa 31% o katumbas ng 107,949 na bilang ng mga Pilipinong sumailalim sa Pre-Departure Orientation Seminar sa Hilagang Luzon ang mula sa Pangasinan ayon sa Commission on Filipino Overseas (CFO).

Ayon kay CFO Supervising Emigrants Service Officer Janet Ramos, sa buong Ilocos Region naitala ng ahensya ang nasa higit 243,000 na emigrants simula noong 1988.

Ilan lamang sa mga Pilipinong sumailalim sa PDOS ay nababahagian ng impormasyon ukol sa travel regulations, immigration procedures, cultural differences , karapatan at obligasyon ng mga ito.

Isa ito sa mga mandatory requirement para sa mga emigrants edad 20 hanggang 59 na petisyon ng kanilang pamilya at kamag-anak.

Samantala, binuksan na rin ang opisina ng CFO sa Baguio City upang maserbisyuhan ang Pangasinan, Tuguegarao, Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments