𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟯

Nanguna ang probinsya ng Pangasinan sa may pinakamaraming registered births o ipinanganak sa Ilocos Region noong 2023.

Ayon sa inilabas na Vital Statistics report ng Philippine Statistics Authority – Regional Statistical Services Office 1 (PSA-RSSO 1), lumabas na nakapagtala ang Pangasinan ng 29,774 registered births sa taong 2023 na siyang sinundan naman ng La Union na nasa 9, 137, Ilocos Norte na nasa 6,950, at Ilocos Sur na nasa 7,523.

Sa buong Ilocos Region, may kabuuang 53,384 live births ang naitala ng PSA-RSSO1 sa buong taon ng 2023.

Samantala, nasa 33,950 registered deaths sa rehiyon noong 2023 kung saan nanguna pa rin sa bilang ang probinsya na may 17,829. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments