𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗨𝗠𝗜𝗛𝗜𝗡𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗤𝗨𝗘𝗦𝗧 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗟 𝗦𝗛𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗠𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗜

Nanguna ang Pangasinan sa humihingi ng request ng animal shipping permit sa Bureau of Animal Industry (BAI).

Ayon kay BAI R1 Veterinary Quarantine Inspector Jerica Andidew, karamihan umano kasi ng mga livestock at poultry farm sa Rehiyon ay nagmumula sa Pangasinan.

Kada buwan, umaabot sa higit sampung libo ang ipinagkakaloob ng BAI R1 na animal shipping permit sa mga biyahero at operator ng livestock at poultry sa rehiyon.

Patuloy naman ang panghihikayat ng tanggapan na kompletuhin ang mga dokumento nang sa gayon ay maiwasan ang pagkakaroon ng aberya sa pagbyahe ng mga hayop. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments