𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗡𝗔 𝗛𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗔𝗧 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗜𝗡𝗢𝗠 𝗢 𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚

Patuloy ang panawagan ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office sa publiko na huwag nang lumusong sa dagat o ilog kung may impluwensya na ng alak dahil delikado.

Sa datos ng Philippine National Police Pangasinan, nasa 5-7 ang kaso ng insidente ng pagkalunod sa mga katubigan sa probinsya kung saan dahilan ng kanilang pagkalunod ay dahil sa sobrang lango sa alak.

Matatandaang karaniwan sa mga naitalalang kaso ng pagkalunod ay dahil sa nakainom ang mga ito.

Ngayong holiday season ay mahigpit na ipinaalala ng ahensya sa publiko dahil marami sa mga turista at mga residente ang pumupunta sa mga pasyalang dagat kung saan hindi rin nawawala ang inuman. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments