Kasunod ng pagdagsa ng turista sa mga pool pasyalan ngayong long weekend, nagpaalala ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na huwag mag-iwan ng basura sa dagat.
Ayon sa tanggapan, huwag umanong kakalimutan na responsibilidad na panatilihin ang kalinisan habang sinusulit ang pagpapahinga sa dalampasigan.
Payo ng tanggapan, iwasan ang paggamit ng disposable products at dalhin ang mga basura at itapon sa tamang basurahan.
Pagsisiguro umano ito na hindi makakapinsala sa kalikasan ang mga bibisita sa pool pasyalan habang nag-eenjoy sa pamamalagi dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments