Hinimok ngayon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Pangasinan ang publiko sa mga hakbanging makatutulong sa pangkalikasan kasunod ng nararanasang epekto ng climate change.
Ayon kay PDRRMO Operations Head Vincent Chiu, hindi inaalis ang posibilidad na maaaring maranasan muli sa mga susunod na buwan at taon ang nararanasang magkakasunod na bagyo sa bansa.
Kaugnay nito, iginiit ni Chiu na hindi pwedeng i-asa lahat sa gobyerno dahil lahat may kakayahan na makatulong o ma-ibsan ang epektong nararanasan.
Samantala, patuloy na nakaantabay ang pamunuan sa magiging sitwasyon sa lalawigan sa posibleng mga dumaan pang kalamidad.|πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments