Patuloy na nakatutok ang hanay ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office kaugnay sa posibleng epekto ng Bagyong Aghon sa lalawigan.
Sa naging panayam ng iFM News Dagupan kay Pangasinan PDRRMO operations Head Vincent Chiu, sinabi nito na patuloy silang mag-aantabay hanggang sa tuluyan ng makalabas ng Philippine Area of Responsibility ang nasabing bagyo.
Sa katunayan, aniya, ay noong nakalipas na Linggo pa Nila pinaghandaan ang nasabing bagyo sa pamamagitan ng mga pagpupulong.
Bagamat may mga pag ulan na nararanasan sa ilang bahagi ng Pangasinan, nagiging blessings ito, aniya, lalo na at kailangan ito ng mga magsasaka sa ngayon.
Kasabay nito ay ang paghahanda ng kanilang tanggapan para sa nalalapit na panahon ng tag ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨