Naka-full alert na ang hanay ng mga kapulisan sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Sa Naging panayam ng IFM dagupan Kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan dela Cruz, naka-deploy na ang mga kapulisan sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan na magbibigay ng seguridad ng publiko ngayong magpapasko at bagong Taon.
Ayon sa opisyal, Ilan sa mga tinututukan ay nga vital installations na inaasahang dadagsahin ng mga tao maging ng mga pook-pasyalan sa lalawigan.
Sa ngayon ay inaabangan pa, aniya, kung magkakaroon pa sila ng support team mula sa Region 1 bilang mga augmentation force.
Hinikayat naman nito ang mga Pangasinense na palaging sumunod sa batas upang maiwasan ang anumang aberya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments