𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 (𝗣𝗔𝗡𝗚𝗣𝗣𝗢), 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢

Pinag-iingat ng Pangasinan Police Provincial Office o PANGPPO ang mga motorista sa pagbiyahe upang maiwasan ang aksidente ngayong nararanasan ang epekto ng Bagyong Pepito.

Ayon kay Provincial Director PCOL. Rollyfer Capoquian, maaring makaranas ng zero visibility sa kakalsadahan sa tuwing malakas ang ulan kung kaya’t mahalaga na mag-ingat ang mga ito.

Malaking tulong rin aniya ang pagsunod sa umiiral na ordinansa na pagsusuot ng reflectorized vest upang maiwasan ang aksidente lalo na sa gabi.

Paalala ng ahensya, kung hindi importante ang pupuntahan sa labas ng bahay ay huwag na munang ituloy ang pagbyahe upang maiwasan ang aksidente dulot ng masungit na panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments