𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗝𝗔𝗜𝗟, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗨𝗚-𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗙𝗔𝗖𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢𝗡

Muling tinukoy ng PDEA Region 1 bilang drug -free facility ang Pangasinan Provincial Jail ngayong 2024.

Ang pagkilala ay mula sa Regional Oversight Committee on Controlled Facilities mula na rin sa mga guidelines na nakapaloob sa Nationwide Implementation of Drug Clearing Program in Controlled Facilities for Persons Deprived of Liberty.

Mula sa dalawang magkahiwalay na search and seizure operation ng ahensya sa provincial jail noong March 13 at May 10 ngayong taon, negatibo ang resulta sa pagkumpiska ng drug paraphernalias sa lugar.

Negatibo rin ang resulta ng sumailalim sa drug testing ang mga personnel at PDLs noong unang kwarter ng taon.

Ilan pa sa mga ipinatupad dito ay ang Drug-Free Workplace Program Policy at pagbuo ng kaukulang komite dito. Sumailalim din sa search and seizure operation, drug testing , paglahok sa mga anti-illegal drug advocacy campaign at pakikipagpulong sa mga concerned agencies.

Noong 2023 ay kinilala na ang pasilidad bilang tagapagpatupad ng drug-free workplace program. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments