𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗟𝗔𝗕𝗢𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗖𝗟𝗜𝗡𝗜𝗖

Nakatakdang mag-ikot sa mga barangay ng Pangasinan ang ipinagkaloob ng National Government na Mobile Laboratory Clinic.

Tinanggap ng kawani ng lalawigan ang bagong mobile laboratory clinic sa Clark Freeport Zone Pampanga.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan malaki ang maitutulong nito sa programang pangkalusugan ng probinsya. Hindi lamang libreng konsultasyon ang hatid ng mobile clinic dahil mayroon din itong x-ray, ultrasound at blood screening para sa mga residente ng probinsya.

Ayon kay DOH Region 1 Regional Director, Paula Paz M. Sydiongco, ang mobile clinic na natanggap ng apat na probinsya ng rehiyon ay makapagbibigay ng mas mabilis na serbisyo sa mga lugar na kabilang sa GIDA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments