𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘 𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗦𝗧 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗨𝗧𝗦𝗧𝗔𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗬𝗢𝗨𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗥𝗘𝗣𝗥𝗘𝗡𝗘𝗨𝗥

Isa ang 35 anyos na Pangasinense na hinirang bilang finalist sa Outstanding Young Entrepreneur ng Awards ng Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Si Rosemarie Domingo na tubong Balungao ay nabigyan ng pagkilala dahil sa kaniyang sipag at dedikasyon sa pagnenegosyo.

Katuwang ang kaniyang asawa na si Elmer Domingo sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo na isang native cake.

Nagsimula ang mga ito sa pagbebenta ng ice candy at kalauna’y naisip ang pagbebenta ng sapin-sapin.

Ayon kay Domingo, ang kanilang pakikibahagi sa KAPATID MENTOR ME O KMME noong 2023 na proyekto ng Department of Trade and Industry ay malaking pagbabago sa kanilang pagnenegosyo dahil napataas ang kanilang kumpyansa bilang entrepreneur.

Samantala, payo ni Domingo sa mga nagnanais mag negosyo na magpatuloy sa pagsusumikap na susi sa matagumpay na pagnenegosyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments