𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗠𝗨𝗟𝗧𝗜𝗣𝗟𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖, 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗔

Sinulatan na ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan ang aabot sa tatlong libong residente na mayroong multiple registration multiple registrants.

Ang mga multiple registrants ay ang mga nakarehistro sa iba pang lugar.

Dahil dito, patuloy ang pagsuyod ng COMELEC sa kanilang listahan upang masigurong walang iregularidad na mangyayari at maiwasan ang flying voters.

Samantala, hindi na muna umano makakaboto ang mga naturang multiple registrants ayon sa sulat na ipinadala sa mga ito.

Nakapagtala naman ng 1,500 na multiple registrants ang COMELEC Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments