𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗥𝗚𝗢 𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬𝗡𝗜𝗟𝗔, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗜𝗕𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔

Naihatid na sa kaniyang huling hantungan kahapon ang tubong San Fabian na 22-anyos na cadete na biktima ng pagsabog ng isang barko na nakadaong sa Tondo Maynila noong ika-6 ng Agosto.

Inilibing si Timothy James Lumagui sa St. Hyacinth Memorial Park sa Brgy. Pag-asa San Jacinto, Pangasinan.

Lubos ang panghihinayang ng pamilya at kaibigan nito dahil sa sinapit ng kanilang kaanak na umano’y kasasampa lang sa barko.

Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, 10:30 ng umaga nang sumabog ang Everwin Star II nang magkaroon ng gas leak dahilan ng pagsabog.

Isang bahagi na kinaroroonan ng tanke ng LPG at pintura, thinner ang tinitignang sanhi ng pagsabog.

Dalawang crew member din ng barko ang nagtamo ng third degree burns. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments