Pinayuhan ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) ang mga Pangasinense na maging maingat sa pinapasok na trabaho lalo na sa mga kahina-hinalang job recruiters na nagsusulputan.
Ito’y matapos na makapag-rescue ang tanggapan ng isang Pangasinense na pinangakuan ng trabaho ngunit sapilitan palang ipakakasal sa isang mapang-abusong Chinese national.
Ayon kay CFO Secretary Romulo Arugay, ang biktima ay napakangakuan umano ng trabaho sa bansang China ng magkasintahang Chinese.
Ayon sa biktima, nakaranas ito ng pang-aabuso sa kamay ng kanyang napangasawang Chinese at maging sa brother in law nito.
Pasok ang kasong ito sa human trafficking kaya naman agad na kinasuhan ang mga recruiter sa paglabag sa Republic Act No. 9208 or the Anti-Trafficking in Persons Act.
Samantala, puspusan ang pagsasagawa ng CFO sa ng mga information at educational campaign sa buong bansa upang mabigyan ng kaalaman ang publiko at mapigilan ang paglaganap ng human trafficking. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨