𝗣𝗔𝗡𝗚𝗠𝗢𝗠𝗢𝗟𝗘𝗦𝗧𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔, 𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗣𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔

Patong-patong na reklamo ang natanggap ng kapulisan laban sa isang public teacher na kamakailan ay nangmolestya sa isang grade 6 student sa bayan ng Sta. Barbara.

Ayon sa PNP, maliban sa nakaraan lamang na kaso, ilan pang mga magulang ang nakikipag-ugnayan para bigyang hustisya ang kanilang mga anak na diumano’y nakaranas din ng pang-aabuso ng suspek.

Paninigurado ng DepEd na patuloy ang pag-iimbestiga sa nasabing insidente katuwang ang mga awtoridad upang masampahan ng karampatang kaso ang may sala.

Kasalukuyan namang naiipit at nahaharap sa mga kasong kriminal ang naturang guro habang isinasagawa ang malalimang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments