Kung ang hanay ng Pamalakaya Pilipinas ang tatanungin, nakakagalit na nakakaalarma na ang pinakahuling insidente ng pambubully ng Chinese Coast Guard sa mga hanay ng Philippine Coast Guard sa bahagi ng West Philippine Sea.
Hindi na kasi ito basta-basta at hindi na din aksidente ang ginawang delikadong pag-maneuver ng Chinese Coast Guard.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Pamalakaya Pilipinas Chairman Fernando Hicap, kitang-kita, aniya, na sinadya ang nasabing insidente kung saan ay nasaktan ang apat na mga kawani ng PCG.
Aniya, ito ay tahasang pagpapakita na agresibo at desidido ang China sa kanilang pag-angkin sa West Philippine Sea.
Kailangan na, ayon kay Hicap, na gumawa ng hakbang ng Pilipinas sa lalong madaling panahon bago pa mahuli ang lahat Lalo na at palapit ng palapit ang inaangkin ng mga ito.
Kung sa hanay ng PCG, aniya, ay nagawa nito ito, mas madali nilang ginagawa ito sa mga ordinaryong mangingisda bagay na ikinatatakot ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨