𝗣𝗔𝗡𝗜𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗬𝗘 𝗦𝗔 𝗢𝗜𝗟 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗥𝗢𝗟𝗟𝗕𝗔𝗖𝗞, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Muling pagpapatupad ng mga oil companies ng panibagong bawas presyo sa mga produktong petrolyo na naging epektibo ngayong araw, Nov. 21.
Sa kasalukuyan, umiiral ang oil price rollback kung saan may pagbaba sa Gasoline ng nasa 10 hanggang 40 cents, sa Diesel, may 20 hanggang 50 cents ang bawas nito habang ang Kerosene may katiting na tapyas na nasa 5 hanggang 35 cents sa lahat ng kada litro sa mga nasabing produkto.
Ngayong araw, Nov. 21, muling bababa ng 75 cents/L ang Gasoline, bawas naman ng 65 cents sa Diesel at 60 cents sa Kerosene.

Ikinatuwa ng mga operators at motorista ang serye ng tapyas presyo sa langis na nararanasan ngayon at umaasa silang magtutuloy tuloy na umano hanggang sa pagsalubong ng mga ito sa holiday season.
Samantala, wala namang katiyakan sa pagiging stable sa presyuhan ng krudo lalo na sa pagsasaalang-alang nito sa pandaigdigang merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments