𝗣𝗔𝗡𝗜𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗜

Ipapatayo na ngayong enero 2024 ang panibagong konstruksyon ng Super Health Center na matatagpuan sa bayan ng Bani, Pangasinan.

Matapos isagawa ang ground breaking noong Disyembre 2023, magtutuloy-tuloy na ang konstruksyon nito kung saan sa oras na matapos ang itatayong pasilidad ay mapapakinabangan ito ng mga residenteng manggagaling sa walong barangay ng bayan ng Bani.

Ilan lamang sa maaaring mapakinabangan ng mga residente o mga pasyenteng magtutungo sa pagamutan na ito ay ang kumpletong outpatient clinic at consultation, pharmacy at dispensary, primary clinical laboratory, clinical microscopy, microbiology/parasitology, radiology, birthing at lying-in, tuberculosis consultation na may direct sputum smear processing at microscopy capability.

Ayon kay Bani Municipal Health Officer, Dr. Ariel Estrada ang pasilidad na ito ay ang pangatlong pagamutan sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments