
Cauayan City – Panibagong oil price adjustment ang ipatutupad at bubungad sa mga motorista ngayong martes, ika-24 ng Pebrero taong 2026!
Panibagong oil price hike ang ipatutupad ngayong araw kung saan 0.60 centavos and dagdag sa kada litro ng Gasulina, P1.20 naman ang dagdag sa kada litro ng diesel, habang ang kerosene naman ay P1.20 naman ang dagdag sa kada litro.
Sa Petron, ang diesel max ay nasa P58, Turbo Diesel na P60 pesos, Xtra Advance na P56 pesos, at XCS na 57 pesos.
Sa Shell nasa P61.30 kada litro ang Fuel save Diesel, VPower Diesel na P73. 30, Fuel Save Gasoline na P59.30/L, at VPower Gasoline na P61.70/Liter.
Samantala, sa Eighteen V, ang Diesel ay P50.30, Premium na P51.80, at Eco-Max na P51.50
Sa Eco power oil, ang diesel ay P50.30, premium na P51.80 at sa supreme na P51.50 pesos.
Samantala, P50.30 naman ang diesel sa Fuel maxx, P52.20 ang premium, at unleaded na P52 kada litro.
Ang oil price hike ngayong linggo ang ikapitong sunud-sunod na pagtaas para sa gasolina, at ikasiam na sunud-sunod na pagtaas para sa diesel at kerosene ngayong taon.
Ayon sa Department of Energy, ang pagtaas ay dulot ng pagmahal ng krudo sa pandaigdigang merkado. Naaapektuhan ang presyo dahil may tensyon sa ilang bansang pinanggagalingan ng langis at tumataas din ang pangangailangan sa suplay sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Dahil inaangkat lamang ng Pilipinas ang karamihan ng langis na ginagamit sa bansa, anumang paggalaw ng presyo nito sa international market ay agad na nararamdaman sa mga lokal na gasolinahan.
Ang kabuuang pagtaas ng presyo ng langis sa Pilipinas ngayong taon ay umabot na sa humigit-kumulang ₱4.80 kada litro para sa gasolina, ₱8.20 kada litro para sa diesel, at ₱6.20 kada litro para sa kerosene base sa mga weekly price adjustments nitong nakaraang mga linggo.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










