𝗣𝗔𝗡𝗣𝗔𝗖𝗜𝗙𝗜𝗖 𝗨𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗨𝗧𝗢𝗡𝗢𝗠𝗢𝗨𝗦 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦

Napagtagumpayan ng Panpacific University ang autonomous status, ang pinakamataas na karangalan na maaaring makuha ng isang Higher Education Institution o HEI mula sa Commission on Higher Education (CHED).

Kasabay ng pag-anunsyo nito ang pagdiriwang ng Universityhood ng institusyon nito lamang Nov. 26, 2024 na may temang “Legacy of Leadership and Sustainability: Celebrating Autonomous Status and Universityhood”.

Binigyang-diin sa mensahe ni Panpacific University President Dr. Donna Padilla-Taguiba ang patuloy na pagtataguyod ng kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng mas pinalawig at pinabuting mga programa lalo na sa larangang pang-internasyonal.

Ang pagkakaroon ng Autonomous Status ay pagkilala sa kalidad ng Unibersidad sa akademya, epektibong pagsiguro sa kalidad at kahanga hangang resulta ng mga programa.

Taong 1993 nang unang itayo ang unibersidad na noo’y Pangasinan College of Science and Technology, habang taong 2007 noong naging Panpacific University in Northern Philippines. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments